Miyerkules, Disyembre 25, 2013

Mga Patikim sa mga Impormasyong inyong Malalaman

Alam ko to! Kayo Alam nyo ba to?


Ang salitang Filipino ng salitang E-mail ay



SULATRONIKO.


Ang Sulatroniko o E-mail ay sistema sa pagpapadala ng mga mensahe mula sa isang kompyuter patungo sa ibang kompyuter.


Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!


Alam ko to! Kayo Alam nyo ba to?



Ang ipis ay kayang mabuhay ng siyam na araw ng walang ulo! Mamatay lang siya sa gutom.



Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!



Alam ko to! Kayo Alam nyo ba to?

Si Pancho Villa ay namatay sa isang nakakagulat na pangyayari!


Si Pancho Villa ay isang Pilipinong Flyweight Boxer na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas matapos siyang manalo noong 1923 World Flyweight Boxing Championship.

Bidyo Ng laban Ni Pancho Villa laban kay Jimmy Wilde noong 1923.

Pagkamatay ni Pancho Villa: Ilang araw bago sa laban nya. Si Villa ay nagpatangal ng kanyang "Wisdom Tooth" at ito ay nagresulta ng pamamaga ng kanyang mukha. Sa kabila ng kanyang niraramdam ay lumaban parin siya sa kanyang laban. Pagkatapos ng laban ay kumunsulta siya sa kangayng dentista at natuklasang nagkaroon ng impeksyon sa kanyang ngipin. Pinaalalahan siya ng Dentista na magpahinga ngunit hindi nya ito sinunod.

Sa kasamaang palad namatay Si Pancho Villa taong 1925 Hulyo 14.

Ano ang dahilan?

Namatay siya dahil sa komplikasyon ng isang throat infection na tinatawag na Ludwig's Angina.


Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!




Alam ko to! Kayo Alam nyo ba to?

Isa ang Malacanang Palace sa mga nakakatakot na building dito sa Pilipinas.

Ang Malacanang ay dinaanan na ng iba't ibang pangyayari sa Pilipinas. Naging mata na ito ng mga pangyayari na maaaring hindi lingid sa ating kaalaman. Kaya hindi makakaila na itong building ay mayroon ng maraming katakot takot na kwento.
Ang mga residente, empleyado at ang anak ng dating pangulong Marcos na si Imee Marcos ay nagsasabi na nakakakita sila ng mga misteryosong mga tao sa Malacanang Palace. Kabilang na dito ang Black Lady umano ng Mabini Hall, Kapre sa entrance ng Malacanang, kaluluwa ng isang American Chaplain na nagngangalang Father Brown at ang kaluluwa ni Pangulong Quezon.

The headless ghost of Malacanang Palace

Makikita sa larawan ang isang multo na walang ulo sa Malacanang Palace.
(Pinagmulan: malacanang.gov.ph)




Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!



Alam ko to! Kayo Alam nyo ba to?


Ang paboritong kulay ni dating Pangulong Corazon Aquino ay PULA hindi DILAW.



Ang dating Pangulong Corazon Aquino ay kilalang kilala sa kanyang signature color na DILAW. Subalit inamin nya na PULA  talaga ang kanyang paboritong kulay. Ang dilaw na kulay ay dumating ng ang mga kaibigan ni dating Pangulong Corazon Aquino ay nagmungkahi ng kantang "Tie A Yellow Ribbon" para sa homecoming ni Ninoy. Ginamit ni Cory ang Dilaw na tatak pagkatapos mamatay ng kanyang asawa.






Introduksyon

Marami ang kaibang nangyayari dito sa ating mundo. Mayroong kamangha mangha, may kakaiba, may kawili-wili, may nakakatakot at mayroong nakakapanganga sa atin dahil sa ating bagong nalalaman.

Napakalawak ng ating mundo. Marami ang pwedeng mangyari o nangyari na hindi lingid sa ating kaalamaan. Kaya nandito ang Alam ko to! Kayo alam nyo ba? Upang magbigay sa inyo ng iba't ibang impormasyon na magbibigay sa inyo ng kawilihan, bagong kaalaman at kasiyahan.