Alam ko to! Kayo alam nyo ba to?
Narinig nyo na ba ang mga salitang panghibayo o amplifier? O ang haynayan o biology? o di kaya ang karumalan o menstrual period? Maaaring ang iba sainyo ay alam na ito at maaaring ang iba sainyo ay banyaga sa mga salitang ito.
Narito ang labing limang Tagalog na mga salita na maaaring hindi ninyo alam:
1.
Ang "Website" ay isang lugar sa World Wide Web na naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang grupo o isang tao. Pero ano nga ba ang salitang tagalog nito?
Ang salitang tagalog nito ay ...
"pook-sapot"
Ang "pook-sapot" o website ay naglalaman ng mga web pages na pinagsama-sama ng hyperlinks.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
2.
Ang karaniwang chimpanzee (Pan troglodytes) na karaniwang tinatawag lang na chimpanzee o chimp at tinatawag ring robust chimpanzee ay isang espesye ng Hominidae. Ito ay kabilang sa henus na pan. Ang ebidensiya sa mga fossil at pagsesekwensiyang DNA ay nagpapakitang ang parehong mga espesye ng Pan ang mga kapatid na takson ng modernong lipi ng tao.
Isa sa mga gawain nito ay mag putol ng sanga ng puno at paggamit ng ngipin upang hasain ang sanga.
Sa Ingles: One of the activities of chimpanzee is cutting a branch of a tree and using its teeth to sharpen the stick.
Ngunit, "hasain" nga ba ang Tagalog na salita ng "to sharpen" ?
Ang tamang tagalog na salita ng "to sharpen" ay . . .
"yakis"
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
3.
Maraming mga musika na ang nagsisilabasan sa ating mundo at sikat na sikat ito sa mga kabataan ngayon. Kabilang na dito ang Roar, Titanium, Gangnam Style, Im Wide Awake, Fireworks, Just Give Me a Reason at marami pang iba. Dahil sa kagandahan ng melodiya at tono nito. Hindi mapagkakaila na tatangkilikin ito ng mga kabataan. Kaya iba't ibang paraan ang ginagawa ng mga kabataan upang mapakinggan ito.
Isa sa mga paraan na ito ay ang pakikinig mula sa "headset". Pero alam nyo ba ang tagalog ng "headset" ?
Ang tagalog ng headset ay . . .
"pang-ulong hatinig"
Ang pang-ulong hatinig ay isang produkto ng teknolohiya na nilalagay sa ulo ng tao. Maaring gamitin ito sa pakikinig ng musika o makipag usap sa ibang tao.
May ideya ba kayo kung ano ang tagalog ng "browser"?
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
5.
Halos lahat ng tao ngayon ay mayroon ng cellphone. Ginagamit ito upang makipag komunikasyon sa taong malalayo saiyo. Marami ang nagagawa ng cellphone. Pwede kang magtext, makinig ng musika gamit ang pang-ulong hatinig o di kaya kumuha ng mga bidyo. Pero kapag naubos na ang baterya ng cellphone mo di ba wala na itong silbi? Kaya kailangan mo itong i charge gamit ang "charger".
Ang "charger" ay ang kinakailangan upang magamit mo uli ang ang bagay na gingamitan ng baterya kapag ubos na ang laman nito.
Ngunit ano nga ba ang Filipinong salita ng "charger"? Alam nyo ba?
Ang tagalog ng salitang "charger" ay . . .
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
6.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
4.
Marami na ang naidulot sa atin ng teknolohiya. Napagagaan na nito ang ating buhay dahil sa kapaki-pakinabang na produkto nito. Isa na dito ang "browser" na tumutulong sa atin sa paghahanap ng mga impormasyon na ating kinakailangan. Katulad ng paggawa ko sa blog na ito ay gumamit ako ng "browser".May ideya ba kayo kung ano ang tagalog ng "browser"?
"panginain"
Panginain ang tagalog ng browser. Ang Mozilla Firefox, Google Chrome, Internet Explorer, Safari at Opera Mini ay ilan sa mga halimbawa ng panginain.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
5.
Halos lahat ng tao ngayon ay mayroon ng cellphone. Ginagamit ito upang makipag komunikasyon sa taong malalayo saiyo. Marami ang nagagawa ng cellphone. Pwede kang magtext, makinig ng musika gamit ang pang-ulong hatinig o di kaya kumuha ng mga bidyo. Pero kapag naubos na ang baterya ng cellphone mo di ba wala na itong silbi? Kaya kailangan mo itong i charge gamit ang "charger".
Ang "charger" ay ang kinakailangan upang magamit mo uli ang ang bagay na gingamitan ng baterya kapag ubos na ang laman nito.
Ngunit ano nga ba ang Filipinong salita ng "charger"? Alam nyo ba?
Ang tagalog ng salitang "charger" ay . . .
"pantablay"
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
6.
Ang "microphone" ay ginagamit upang mapalakas ang transmisyon ng iyong boses lalo na kapag nasa malawak ka na lugar. Maaring gamitin ito sa pagbabalita, pag-aanunsyo o di kaya sa pagkanta.
Ang alam nating mga Pilipino na ang tagalog ng "microphone" ay mikropono di ba? Ngunit tama ba ang mikropono?
"miktinig"
Sa makatuwid ang tagalog ng microphone ay miktinig at hindi mikropono.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
7.
Alam ba ninyo ang "hyperlink"? Ang hyperlink ay ang naka-highlight na salita o di kaya'y larawan na maaari mong piindutin upang makapunta ka sa ibang pook-sapot.
Ano nga ba ang tagalog na salita ng hyperlink?
Ang tagalog ng hyperlink ay . . .
"kawingan"
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
8.
Isa sa mga pinagaaralan sa Pisika ay ang "Thermodynamics". Ano nga ba ang tagalog nito? Alam nyo ba?
Isa sa mga pinagaaralan sa Pisika ay ang "Thermodynamics". Ano nga ba ang tagalog nito? Alam nyo ba?
"initsigan"
Initsigan ang tagalog ng thermodynamics. Ang initsigan ay galing sa salitang griego na ibig sabihin ay therme ay "init" dynamis ay "lakas" ito ay pag aaral tungkol sa pagpapalit sa gawa at init.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
9.
Nakakita na ba kayo ng isang "eclipse"? Maaring nakakita na kayo. Ano ba ang nakita nyo? Solar o Lunar eclipse? Ang "eclipse" ay isang pangyayari na tinatakpan ng buwan ang araw o di kaya baliktad.
Ano kaya sa Wikang Filipino ang eclipse?
Duyog sa wikang filipino ang eclipse.
"duyog"
Duyog sa wikang filipino ang eclipse.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
10.
Marami ang pinag-aaralan sa asignaturang Agham. May Haynayan, pisika at kung ano-ano pa. Isa na dito ang "Hydraulics" . Ang Hydraulics ay pangunahing ginagamit sa pag -iinhinyero na tungkol sa mga tubig o likido.
"danumsigwasan"
Alam nyo ba na Danumsigwasan ang tagalog ng Hydraulics.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
11.
Ang "Electromagnetic Wave" ay isang uri ng alon na nabubuo sa pamamagitan ng sabay sabay na mga pana-panahong pagkakaiba ng kuryente at magnetic na bahagi at kasama ang radio waves, infrared, visible light, ultraviolet, X-rays, at gamma rays.
Ano nga ba ang Electromagnetic Wave sa Wikang Filipino?
Ang Electromagnetic Wave sa Wikang Filipino ay . . .
12.
Mahilig ba kayo sa Matematika? Maraming tao ang nahihirapan dahil sa mga di-maintindihang paksa nito. Lalo na ang sinasabing "Find the value of x" o di kaya ay "Find the sum of all counting numbers from 1 to 10000." Di ba mahirap? Pero kahit anumang antas ng kahirapan nito ay kailangan natin itong aralin dahil ginagamit natin ang Matematika sa pang-araw araw nating pamumuhay.
Ang "Arithmetic" ay isa sa mga pinag-aaralan sa Matematika. Ito ay isang sangay ng Matematika na karaniwang tungkol sa mga nonnegative numbers minsan kabilang ang transfinite cardinals at gamit ang paglalapat ng mga operasyon ng addition, subtraction, multiplication at division.
Ano nga ba ang tagalog ng English word na "Arithmetic"?
14.
Ang Electromagnetic Wave sa Wikang Filipino ay . . .
"dagibalniing liboy"

"bilnuran"
Ngayon alam nyo na Bilnuran ang tagalog ng Arithmetic.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
13.
Gumagamit ba kayo ng thermometer? Kailan kayo nito gumagamit? Di ba karaniwan nyo itong ginagamit kapag kayo ay may lagnat? Paano nyo nakikita ang inyong temperatura?
Nakikita ba ninyo ang likidong tumataas sa loob ng thermometer? Ang tawag diyan ay "Mercury". Ngunit alam nyo ba ang tagalog ng "Mercury"?
"asoge"
Asoge ang tagalog ng Mercury. Ang Asoge ay likido sa normal na temperatura.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
Nakaranas na ba kayong masirain sa inyong bahay ng cabinet o di kaya'y bubong? Ano ang ginagawa nyo? Di ba tumatawag kayo ng "carpenter" upang ayusin ang mga kahoy na bagay na nasira?
Karamihan ang alam nilang tagalog ng "carpenter" ay karpintero. Ngunit may isa pang tagalog nito.
"anluwage"
Anluwage ang isa pang Filipinong salita ng carpenter. Ang trabaho ng anluwage ay magkumpuni ng mga sirang bagay na yari sa kahoy.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
15.
Maraming mga gawain ang ating magagawa sa pook-sapot. Maaari kang maglaro, magfacebook, maghanap at mag-email. Ang "email" ay sistema sa pagpapadala ng mga mensahe mula sa isang kompyuter patungo sa ibang kompyuter.
Ano nga ba sa Wikang Filipino ito?
"sulatroniko"
Tama! Sulatroniko sa Wikang Filipino ang email. Madami ang gamit ng email. Pwede itong maging messenger o di kaya'y ginagamit sa paglo-log in. Dalawa sa pangunahing gawaan ng email ay ang Gmail at ang Yahoo.
Oh diba! Alam ko to! Ngayon alam nyo na!
Sana ay nasiyahan kayo sa post na ito! Maraming salamat sa inyong pagbasa! Bigyan sana kayo ng Diyos ng masagana at manigong taon!
Sanggunian: http://www.filipiknow.net/
MAGALING NAKATULONG SA AKING TAKDANG ARALIN
TumugonBurahinNais ko lamang sabihin na tanggap at tama rin naman ang "mikropono" sapagkat ito'y nakatala sa UP Diksiyonaryong Filipino bilang isang hiram na salita mula sa wikang Espanyol.
TumugonBurahinMagaling po salamat po sa inyo nakatulong po kayo sa proyekto ko
TumugonBurahingusto ko lang sanang malaman kung may repensya po ba ito? salamat po
TumugonBurahin