COLLAGE
(Espesyal na Post)
ginawa mula sa kantang Hari ng Tondo at Upuan ng Gloc-9
gawa ng Ika-apat na Grupo ng Bulan NHS Grade 7 Special Science Class-A
Isang Gawain sa Asignaturang Filipino 7
Guro: Ginang Hezel Gapas Rapi
3D COLLAGE NG HARI NG TONDO AT UPUAN
Makikita ninyo ang pagkakaiba ng mayaman at mahirap sa aming collage. Ito ay hango sa awit na Hari ng Tondo at Upuan ng Gloc-9.
Ang mga taong mahihirap ay nagagawang kumapit sa patalim para lamang mabuhay. Nagagawa nilang pumatay at magnakaw. Ang mga bahay nila ay tagpi-tagpi, butas butas, madudumi ang paligid at patong patong. Makikita din ninyo ang mga sunog na bahay na resulta ng laganap na nakawan at kaguluhan sa Tondo. Makikita din ninyo si Asiong na nasa gitna ng mga sira sirang bahay na siyang naghahari sa nasabing lugar. Mamamasdan niyo po ang mga buhol buhol na kable at mga nakasabit na mga damit sa lubid na ibigsabihin ay walang kaayusan at puro kaguluhan ang kanilang buhay at makikita ninyo ang isang crime scene na sumisimbolo na mayroong mga namatay at mayroon ng patayan.Mapapansin din ninyo na laganap ang mga mahihirap na tao na ang suot ay mga pinagtagpi tagpi na damit at mapapayat dahil sa kawalan ng pambili ng kanilang makakain.
Sa kabilang banda naman ay makikita ninyo ang mga malalaking bahay kung saan nakatira ang nagmamay-ari ng upuan na pinag-aagawan ng karamihan. Makikita ninyo rin po ang malawak na bakuran kung saan mayroon ng maraming magagarang sasakyan at nakabarong. At sa gitna makikita ninyo ang taong naka upo na nagbubulag bulagan sa kahirapan at krimen na nasa kanyang harapan at nasasakupan.
Mga Larawan ng nasabing 3D Collage:
Casino | Mapyro
TumugonBurahinFind Casino on Mapyro, the online spot where locals play 양산 출장안마 and 구미 출장안마 win! Your casino 경산 출장안마 table, a poker room, or the slot 서귀포 출장마사지 machine 안동 출장마사지 for you.